Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Tuesday, August 29, 2006

:) ok

matagal tagal na din akong hindi nagbibigay ng panahon para magkuento kung ano ang nangyayari...
madami ng naisulat si pao sa blog nya... madami na ding nailagay sa blog si blue...
nag kasakit na si shelly... nagbiyahe si jing ...
nagka-oil spill sa guimaras ... umulan ... umaraw...

ang dami dami ng nangyari... wala pa rin akong nilalagay sa blog...

mali ka dun

hindi ako nagsasawa...
hindi tinatamad....

naghahanap lang ng tiyempo... ng motivation para magsulat... masyado kasing nagiging "stressful" ngayon sa opisina... masyadong nagiging demanding ang trabaho kaya nawawalan ka na ng time para sa mga bagay na dating nakasanayan na...

naiinis ako...kasi napapagod na ko
naiinis ako ... kasi wala akong magawa....
naiinis ako ... kasi lahat ng gawin ko mali...
naiinis ako ... dahil nandito pa rin ako...

ako na lang ang natira...
ako na lang ang naiwan...
ako na lang mag isa...

ayoko na....
nawawalan na ko ng pag-asa....

alam ko hindi ito ang gusto mong marinig.. alam ko hindi ito ang ninanais mong mabasa... pero wala akong magagawa... ito ang naging resulta ng pag upo ko sa harapan ng computer na to...
ewan ko hindi ko alam kung bakit ganito ang buhay...

there's another opening for mdp... sure...

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 5:05:00 PM
2 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Friday, August 25, 2006

:)


kamusta ka
halina't magsaya
pumalakpak pumalakpak
ituro ang paa...
padyak sa kanan....
padyak sa kaliwa....
umikot ka , umikot ka
humanap ng iba....



=)


ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 7:00:00 PM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Saturday, August 05, 2006

:) 0530 ng hapon sa pbcom

minsan talaga may times na nakakaasar
kahit na gano mo pigilan ang sarili mo lalabas at lalabas pa rin sayo na naiinis ka....
lalo na kapag mali ang bati sayo ng isang tao
mali ang mga bagay na nasabi
sa maling oras
maling lugar at maling panahon....

at cyempre pag nainis ka na kahit gaano mo gustong
kausapin na ang isang tao hindi mo ito magawa...
bakit kamo? kasi wala kang gana...
wala ka sa mood
at mataas ang pride mo...

un lang

umuulan nanaman...

sige lang ulan ng ulan... ok lang yun

kasama sa pag ikot yan ng buhay
kasama sa pag inog yan ng mundo
kasama sa pag ngiti muli....


ako lang po ito si mayunes

ala
umalis
tulog!

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 5:32:00 PM
2 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Thursday, August 03, 2006

:)

happy birthday daddy!
miss you much...
love you


ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 6:38:00 PM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------