Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Sunday, November 27, 2005

:) the it girls.. shelly, mayu jing and mayet!

hay.. ala na talaga
time to move on guys

shelly, mayet,
we will miss you

ika nga nga sabi sakin.. talagang ganun, may nag momove on... d naman lahat ng bagay permanent, palaging may kaakibat itong paglisan at paglago..

the moment i heard the news i wished i was with you guys, i wished that we would start a new together with jing in that account but i couldnt decide na lang basta basta, i have to take into considerations din other things ... many things...

well "the way things are are teh way things are" i guess this is the way for us..

i will miss you two...
ala na kayo it girls pa rin kayo sakin... samin...

miss you

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 12:54:00 PM
2 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Monday, November 14, 2005

:) kathang isip

taong 2001

malalim na ang gabi... ala akong maiisip na ibang mapupuntahan kundi ang tabing dagat... ang dagat ang tangi kong kublihan... ito ang tangi kong karamay... hindi ko alam kung bakit ngunit pag nasa tabing dagat ako... napakamahinahon ng aking damdamin... ala akong pangamba... payapa ang aking isipan...

dito ako madalas sa pampang... nagiisip ... nag rereflect tungkol sa nangyari sa aking buhay... ang dagat din ang palagi kong karamay kapag nalulungkot ako..

naalala ko..nung 7 taon ako... namatay ang alaga kong aso...sa dagat ako nagpunta.. iyak ako ng iyak... sa dagat ko inilabas lahat ng sama ng loob ko...nang bumagsak ako sa exam... hindi muna ako umuwi kaagad kasia lam ko mapapagalitan ako ni inang... ang dagat ang aking naging takbuhan... ang pampang ang aking kublihan...
nagn una akong nasawi sa pag-ibig sa pampang ako umiyak... ang dagat ang tanging pinagsasabihan ko ng lahat.. dito ako kumuha ng lakas ng loob...
hindi ko alam kung bakit... pero payapa kasi ang dagat... malamig... malumanay... sa palagay ko naiintindihan nya ang lahat ng hinanaing ko ....

wag nyo naman isipin na ang dagat lang ang aking kaibigan... mayroon din naman akong ibang mga nakakasama... nandyan si lisa at tina.... sila ang mga nakakasama ko sa araw araw ko dito sa aming bayan....

lagi ko rin silang nakakasama sa pampang... bata pa lang kami dito na kami naglalaro... magkakasamang nagtatampisaw... magkakasamang nagtatawanan.. at paminsan minsan sa may drama din naman kami... nang malaman namin na nagdadalang tao si tina... dito kami sa baybayin nagsumpaan na hindi namin iiwan si tina anuman ang mangyari...

ngunit ng gabing yaon wala si tina at lisa... gusto kong mapagisa... buong laya kong tinahak ang baybayin... malamig ang gabi... magpapasko na kasi ... tahimik ang dagat.. alang pag aalinlangan ... ako lang at ang dagat

ngunit sa di kalayuan may mga taong nagsasaya... may mga taga maynila nanaman pala sa resort nila aling linda... mukhang masaya sila ah... kailan kaya ang balik nila sa maynila... ako din.. ilang araw na lang babalik nanaman ako sa maynila... muling susuong sa laban ko sa buhay...

di mo na itatanong sa maynila na kasi ako nagaaral ng kolehiyo... sabi kasi ni inang mas maganda daw na duon ako magaral... sa up ako nagaral... mura lang daw kasi eh... iskolar ka pa ng bayan... si tina naman dito lang sa aming bayan...pilit binubuhay ang anak niya sa pagkadalaga... iniwan na kasi siya ng asawa niya kami na lang ni lisa ang sandigan niya... si lisa naman ay dito sa bayan nag aaral ... gusto nyang maging isang guro... ako naman nagsusunog ng kilay sa lungsod ... gusto ko kasing maging isang manunulat ...

habang sa paglalakad ko biglang na lang may tumawag ng aking pansin... may isang lalaki sa baybayin na nagiisa din katulad ko...
lumapit siya at nagtanong... ngayon lang ba daw ako din napunta sa lugar na ito? ang sabi ko ay hindi... dito na talaga ako nakatira... at doon nagsimula ang aming pagiging magkaibigan...araw araw nakikita ko siya sa pampang...sa loob ng apat na araw,nakausap ko siya... marami din kaming napagusapan mula sa matahimik na bayan namin hanggang sa makulay ngunit magulong lungsod ng maynila... katulad ko isa din siyang mag aaral sa maynila.. bschemistry sa pup sta mesa... malumanay lang ang boses nya...malamig sa aking pandinig... kaya daw sila nandito sa aming bayan nagbabakasyon lang at gumagawa ng isang case study tungkol sa mga dugong... hay... ang dagat nga naman... napaka lawak... ang daming na-eenganyo...
madami kaming napagusapan...nalaman ko na gusto niyang maging isang doktor... gusto niyang malibot ang buong mundo... gusto niya ng tahimik na buhay...
napagusapan din namin ang krisis ng bayan ngayon... malawak din kasi ang kanyang pananw sa mga nangyayari sa buhay....

lumipas ang 3 araw at aalis na sila ang mga bakasyonista.. sa huling gabi ng aming paguusap sa pampang magpaalam na siya.. ang naging kaibigan ko ng ilang araw ay babalik na sa lungsod... may kalungkutan akong nadama.. aaminin ko... at umaasa ako na sana magtagal pa sana siya dito ngunit hindi na iyon maari.. sabi nga there is a time for everything at ito na ang oras ng kanyang paglisan...
parang may kulang na saakin... siguro nasanay lang ako na siya ang kausap ko... nasanay lang siguro ako na may kapalitan ako ng mga ideya tungkol sa buhay....

isang dapit hapon...habang ako'y nakaupo sa pampang... lumapit siya ulit sa akin...

"malalim masyado ang iniisip mo... huwag masyadong seryoso... baka mapaano ka nyan", wika nya

"hindi naman... pinagmamasdan ko lang ang dagat... napakaaliwalas nya... makalma siya ngayon...napakalaya nya.... ang layo ng nararting..,"sabi ko

"tama ka dun... ang dagat napakalaya.. nagagawa niyang maglayag sa iba't ibang lugar at alang makapipigil sa kanya... sa bawat paglalakbay marami siyang nakakasalamuha...,"sabi nya

ang lalim talaga nyang magisip....ang lalim talaga ng pananaw nya sa buhay... ngayon lang ako nakakausap ng ganito....kami nila tina at lisa pag nasa pampang puro pangarap namin ang aming binubuo... mga problema na pilit pinagtutulungan para malutas... kadalasan tawanan at iyakan ang nagiging tagpo namin sa tabi ng pampang...

"siya nga pala bukas babalik na kami ng maynila... ikaw? kailan ang balik mo??'"tanong niya
2
matapos niyang sabihin ito...may kakaiba akong naramdaman.. bakit ganito... ayaw ko siyang umalis... gusto pa kitang kausap... hindi ko pa alam ang iyong pangalan... aalis ka na agad... wag muna...

' ah ganun ba? cge ingat na lang akyo... ako din malapit na din akong lumuwas a maynila...'
lumaon ang oras at umalis na nga silang mga bakasyonista... pero teka... nakalimutan ko palang itanong kung anong pangalan nya...sa araw araw na aming paguusap ala ninuman sa aming dalawa ang naglakas loob na magtanong kung ano ang pangalan ng isa... cguro mananatili na lang siya sa aking alaala... isang napakagandang alaala....


(to be continued)

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 8:01:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Sunday, November 13, 2005

:) mainit

akala ko ba pasko na?
mainit pa rin
hay!

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 11:48:00 AM
1 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Saturday, November 05, 2005

:) habang tumi-tic tac ang orasan

isang oras na lang uuwi nanaman
nakatapos nanaman ng isang araw sa loob ng opisina

---
ang sakit na ng mga paa ko... pinilit ko kasing biling yung sapatos ko kahit alam ko na masikip ng kaunti cya sa akin... pero sabi nga nung tao sa tindahan ng sapatos.. "ma'am luluwag din po yan.." dapat lang! hay naku... mejo nabigla yata ako sa pagkakabili nitong sapatos na to....
---

finally we have moved on

much has been said, many things have been done and finally our team is moving on
though the closeness is still there we need to realize that we are now entering a new battle in life on our own.. i'm glad that moving on is not that painstaking as i had imagined, though the times that we had together are one of the best that i had...
---

bumabalik na naman ang migraine ko... ang isa sa kinaiinisan kong sakit ay nandito nanaman... ano kaya ito?
...dahil sa pag-iisip?
...dahil sa alang ginagawa?
...dahil sa oras ng aking pakikibaka sa realidad ng buhay?
...dahil sa haba ng inilalagi ko sa harapan ng makinarya na ito?

isa lang ang masasabi ko....
MIGRAINe SUCKS!

---
i had my hair cut...
may sakit ba ako?
naiinitan ba ako?
depressed? naiinis... go figure...


ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 11:57:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------