Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Thursday, December 23, 2004

:)

christmas na christmas na...
hay christmas na... tapos bagong taon tapos birthday ko na...........

christmas party ng team namin ngayon sa red box...
yun lang....



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 11:47:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Sunday, December 19, 2004

:) christmas dinner ng superfriends

dapat christmas dinner namin kagabi na magbabarkada...
excited nga ako kaso hindi ako nakasama...
2nd christmas party ko na ito na hindi nakakasama sa kanila... sa mga college friends ko... last year hindi rin kasi christmas party namin sa office nun... ngayon naman nasa bataan ako...cguro naiinis na sakin ang mga barkada ko kapag napapagusapan na lang na magkita kita...
minsan hindi ako nagpapakita....
minsan tinatamad ako... kadalasan... may trabaho lang ako...
matagal tagal na ding kaming magkakaibigan... si jaye..(bestfriend ko) ... c leth.. (next yan kay jaye..) c leng, kat at kat... at si ryan ang nagiisang torn among us roses...
hay naku.. a
lam ko hindi rin nakasama si leth... di ko na alam kung papansinin pa nila ako...

pero isa lang ang masasabi ko...
mahal ko kayo...


ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 11:31:00 AM
1 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Monday, December 13, 2004

:) bakit hindi ako bitter?

mayu, bakit hindi ka bitter? dapat diba bitter ka ngayon?

yan ang tanong sakin ng katabi ko dito sa office... after ng call ko yan ang bomba na binagsak nya sa mukha ko... napaisip tuloy ako...

bakit hindi ako bitter?
though there are times na naiisip ko na hindi ako bitter na tao i know deep inside of me may bitterness dun... ang iniisip ko kasi sa buhay yung mas maganda... kunwari... nawala ang isang bagay... pinlano un ni Lord para mawala talaga.... may mas malaking gift pa siyang ibibigay sakin...

cguro un na ang naging laging nasa isip ko... look for other options ... look for the other side of the things...
dati pessimistic akong tao...palagi kong naiisip ung masamang maidudulot... pero simula ng maging myf ako.. simula ng maging active ako sa myf... nag iba na.. lalo na ng simulang makilala ko si lord...the crammings na nakuha ko sa myf... kaw ba naman maging secretary for 2 consecutive terms tapos maging president ka naman for 1 term ... centennial ci pa ung hawakan mo... nakakaloka un.. pero dun ko nalaman na hindi lahat ng gusto ko... hindi lahat pupuede.... puede kang mangatwiran at puede kang magstandup para sa sarili mo at sa mga taong nakapaligid at umaasa sayo pero hindi lahat ng bagay makukuha mo....

i always say na spoiled ako lalo na sa dady ko... daddy's girl ata ito... minsan lang ako napalo ng daddy ko... nung mga 7 years old ako... hindi na yun nasundan... at lahat ng hingin ko sa dada ko binibigay nya sakin.. i know my limitations naman din...sa dady ko lang pala ako puedeng maging spoiled... kahit sa mamy ko hindi uubra ang ugali ko... though i have brilliant ideas... na often naman un ang nakukuha... hindi pa rin ung gusto ko ang nasusunod ngayon...

may mga bagay na nagyayari sakin na minsa aaminin ko bitter ako.. gaya ng..at nung... un...pero may mga bagay na kahit mejo bitter ako pinipilit kong wag maging bitter kasi alam ko hindi maganda un... alam ko ako dapat responsible ako sa actions na gingawa ko... alam ko na dapat ready ako sa lahat ng consequences na un....and this is what i am proud of... matapang ako

ito na siguro ung explanation na hinahanap nila... kung bakit si mayu ay hindi bitter....



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 5:41:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------

today is a Friday, December 10, 2004

:) ito ang gusto ko... r-t-o

ako si mayu at ito ang gusto ko...

  • gusto kong matutong magbike...hindi ako marunong mag bike.. hindi ako tinuruan mag bike... naaawa ako sa sarili ko kasi pinagtatawanan ako ni leth kasi hindi ako marunong mag bike....
  • gusto kong magtrabaho sa isang foundation... gusto kong tumulong sa ibang tao... gustong mag repack ng relief goods... gusto kong sumagip ng bata na inaapi.... gusto kong maging isang modern day darna...
  • gusto kong mapunta sa antipolo... kasi di pa ko napupunta dun... sa libis napunta na ko kasama ko si MALOU at MISSY.... sa tagaytay napunta na din ako kasama ko family ko at take note... nagyong taon lang lahat ng ito nagyari...7 taon na po ako sa maynila...late bloomer is that me??? hahahaha
  • gusto kong bumalik sa pagiging high school kasi gusto kong magsuot uli ng uniform namin kahit hindi kagandahan tapos gusto ko din ung magsuot ng medyas uli sa school shoes ko... isa lang masasabi ko... MASAYA ANG BUHAY ESTYUDYANTE!
  • gusto kong magpunta sa ibang bansa at mag tour (sabagay sino bang tao ang may ayaw nito?) no further explanation needed...
  • gusto kong maging isang manunulat..
  • gusto ko alang batang nagugutom, alang taong nagsisinungaling, alang taong nangangailangan na manghingi para mabuhay sa mundong ito...
  • gusto kong mag sulat ng isang nobela...
  • gusto kong sumali sa isang play, magdirect ng isang play at gumawa ng isang ad na makikita ng maraming tao... tama na sakin na makita nila ang gagawin kong billboard sa Guadalupe or isang 30 seconder sa abs-cbn or gma...
  • gusto kong manood ng sine kasama si tristan
  • gusto kong maging isang dragonfly yung makulay... yung ma-cute....
  • gusto kong maging isang dagat....malamig...maaliwalas...malaya..makulay....

kailan ko kaya makukuha ang mga gusto ko???

kailan makakamtan??

baka mahuli na ako....eka lang...



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 9:13:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------
mga windang na tao

kapag pala ala kang gingawa sa office... marami kang napapansin... marami kang nakikita... umiikot ang paningin mo at naglalakbay ang diwa mo...gusto kong ikuwento sa inyo yung mga nangyayari dito sa loob ng 50th floor specifically sa 50sq mtrs na kinapapalooban ko ngayon..
mahirap ang buhay ng isang katulad ko... pinapasan ang problema ng may problema.. pinipilit intindihin at tulungan ang mga ayaw umintindi at namamagaling... hay lyf... nakakaloka..
--------------------------
talaga bang windang lang ang mga tao ngayon? o sadyang may mga bagay na nakakawindang sa knila..kaya sila nagkakaganun?... sabagay naniniwala akong 2 bagay lang un... windang moments talaga ... o sadyang sinasadya na windangin ang sarili...
----------------------------
si rachel... an epitome of windang moment which you would treasure... kakaiba talaga si rachel hindi ko malaman kung saang planeta naggaling... dating taga tondo ngayon naninirahan sa condo....hay...
----------------------------
ala c pao ngayon dito sa opichina (ala lang gusto ko lang sabihin yung opichina)... isa sa mga kinagigiliwan kong tao itong si pao... masayng tao..though meron pa rin siyang tinatago although open book na talaga siya... hahaha
----------------------------
c mamy carissa.... ang nanay ko dito sa manila... minsan nga natatawag ko na siyang MA... oh diba... panalo ito... CAREER! pag first tym mo siyang narinig na magcalls... ewan ko... nakakaaliw...
----------------------------
c mamores.... ang tawag ko sa kanya walking dictionary...may kakaiba siyang mga lenguahe pero nakakaaliw pa rin.. hahahaha... and kung meron man siyang mga bloopers sa customers...he can get away with it...most of the tym.. also naaliw din ako sa kanila ni carlo at rj kasi aliw na aliw ako sa mga side comments nila... sa knila ko nga nakukuha ung ibang mga side comments ko eh..
------------------------------------
c dru... mabait naman cya... naeendure nya ang mga ginagawa ko... lalo na pag pinipilit ko siyang magkuento ng tungkol sa lovelyf nya at pag kinukuentohan ko siya ng tungkol sa lovelyf ko...emotionally reserve siyang tao pero windang din naman siya most of the tyms... may mga tyms nga na iisipin mo kung ano ang nakain ng batang to kasi ayun makulos...minsan naman hindi ka na nya papansinin as in ignore moments...
-------------------------------------
c blue.. magkasama na kami sa previous work namin... sa isang higanteng telco... nakita namin ang sarili na magkasama nanaman sa isang bagong companya...di ko alam kung pano ko siya naging friend.. pero im proud na friend ko siya..
-------------------------------------

the patak center agents like us are sometimes called the modern day DH, modern day vampires (mas gusto ko tong isang toH!) or modern day aliping sagigilid... (kanina ko lang na conceptualize itong idea na toh! maganda naman) ... ang mga customers parang spyware ... kami ang mga anti-spyware applications... try lang natin one tym....

-------------------------------------

sa araw na to alone... 3 beses ko ng narinig ang kanta ni regine na shine sa radio at take note within 1 oras lang yun... dapat ba talagang mag shine? or just settle from being an unknown person ..... ang isang tulad ko kaya magshine ako??
oily face mana pa....

-------------------------------------

may sense kaya ang pinagsasabi ko?sa akin meron ewan ko sa inyo...
ciao muna mya mya na uli...


ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 8:35:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------
i-try ko lang maging seryoso...

maraming nagyayari sa buhay ng tao sa bawat pag inog ng mundo, sa bawat pagpatak ng oras, bawat segundo ng buhay, bawat pagpikit at pagdilat ng mata... bilisan mo ng konti baka hindi mo mahabol at maya maya ay wala na... hindi mo na alam kung anong nasa paligid mo...

isang araw nasa taas ka ng gulong pamiya miya ay nararamdaman mong bumababa ka na.. nawawala sa puwesto... nabubuway...nalulugmok...

ngunit may mga panahon naman din na ikaw ay nasa rurok ng tagumpay, nasa itaas ng lahat, angat sa iba...

kung ano man ang estado mo sa buhay ... ala na akong magagawa dun... tanging ikaw lang ang makakpagbago sa estado na meron ka.... ika nga sa salitang banyaga... i am the captain of my ship and something something... hahahahaha

to wrap it up... ala lang akong masabi kaya ko naisulat ito...

maraming salamat po at mabuhay....



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 5:24:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------
a day in a life of mayumi

it's been a while since i last posted my "notations" here... auto zero na ko nyan!

eniwei.. i dont even know if some people does bother to go in to this page and read and read and read and read lang sa mga whines ko at kalokohan sa mundo.. but anyway ako naaliw... so... nobody cant do anything about it na... surf control kung surf control.... hahahaha

i am not feeling well, ummm this is not my usual i am not feeling well situation... ung mga 5 minutes sa kama... tapos icoconvince ko yung sarili ko na i am not feeling well pero ang totoo... tinatamad ako... today i am REALLY not so into myself...when i woke up pa lang i know na di ko na kayang mag-work today...pero i still said na "hindi ka puedeng magabsent ms. mayumi... ni-warningan ka na ni sam... baka di ka pa maregularize nyan!...."
tapos.. pag tayo ko pa sa kama.. sabi ng aking fave na pamangkin... "ayan turn ko na... ako naman... "awa naman ako kay menggay payat na nga di pa nakakatulog kaya ayun ... tumayo na talaga ako...

(well as now you can see na buhay ko to today...ung kinukuento ko... so deal with it!)

nagkita kami ni tris ko kanina... awa nga cya sakin kasi di ako makahinga... kaya ayun aga din akong uwi...hay buhay.. parang lyf...

i made sandwiches today... hopefully sabihin nila na masarap na to... kasi kahapon hindi daw eh... pahiya naman ako dun....

so sa madaling salita.. eto ako ngayon asa office pero hindi nagtratrabaho kasi sabi ng nurse umuwi na ako... eh sabi ko wag na muna kasi po i-mamark pa rin ako as absent... so pano na ang pangarap kong wag mag-absent ngayon??? wala din... kasi naman ung nurse dun sa clinic eh...
hay! buhay... parang lyf...

so what have i learned ...

  • if you cant breathe ... i try mo pa rin na huminga kasi mamatay ka...
  • wag kang gagamit ng dairy creme to saute your cornedbeef... mag iiba ang lasa....d angkop sa dila ng iba...
  • sa 7-11 kamuning ko lang pala makikita ang fluffy pancake ng maya... Php 22.00 lang.. sa puregold tayuman ala eh....
  • kung di mo kayang pumasok.... wag na.. masasayang lang ang effort mong magexert para mag clerical ka....
  • pag sinabi mong bumili ka.. dapat bumili ka... kung hindi mapapgalitan ka... (buti na lang mabait ang bf ko...)
  • dapat i-sterilize ang mug bago gamitin ng iba kung may flu or sipon ang gumamit na una.... hay.....
  • kung may iibahin kayo sa boss... magbigay muna kayo ng pasabi kasi nagagalit ang katabi ko ngayon... di nya makita ang mga troubleshooting steps eh.....
  • pag nagpaalam ka sa MOD na you'll go to the clinic...punta ka dun agad. kasi tumatawag ang MOD sa clinic ichecheck kung nandun ka.. tapos...sasabihin nila sayo pa.. ng MOD ha... please make it fast... ayaw na ngang lumabas ang voice ko make it fast pa.... hay... considerations anyone??

hay... life is really full of surprises, spices and everything nice... if you concentrate on the details.. i mean big details.. you'll miss out those small things which has big meanings din pala..

ge ito muna for now...

mya mya na ko mag iisip ... may homework nga pala ako eh....



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 3:28:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------