Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Wednesday, June 21, 2006

:) siguro

bakit minsan sa buhay ng tao di mo maiwasan na umiyak?
bakit minsan sa buhay ng tao di mo maiwasan ang magtanong?
bakit minsan sa buhay ng tao di mo maiwasan ang tumahimik at magisip?

yan... umaandar nanaman ang malikot kong isipan... alam ko na hindi ko dapat isipin ang mga bagay na nakalipas na at tapos na... alam ko na kung ano man ang nakaraan , wala na yun nakaraan na.. pero bakit ganito... wari'y may konting kurot akong nararamdaman sa aking puso at nagsasabing magselos ka... hindi naman dapat ito nararamdaman ng isang taong tulad ko...

open kami sa isa't isa.. lahat ng bagay napapag usapan... lahat ng aspeto ng buhay na papag nilay nilayan... yun ang maganda sa aming samahan... lahat ng bagay nasasabi...
siguro ganun talaga kung ang naging pundasyon ay ang inyong pagiging magkaibigan...

meron kaming oras na bago ipikit ang aming mga mata... naguusap kami tungkol sa nangyari sa araw namin... sa mga bagay bagay na pinagpapasalamat namin... sa mga bagay na nais naming mangyari... sa mga bagay na sabay naming kakamtin....

pero kahit araw araw kami naguusap .. hindi ko pa rin mawala sa isip ko na magtampo, magselos at mainggit kahit kaunti ... lalo na sa mga taong alam kong importante sa buhay nya... noon man o ngayon....

hindi ko sinasabi na nawala na ang konting kirot sakin... nandito pa rin yun.. kagaya ng nararamdaman nya... alam ko meron din siyang ikinakatakot... ako man meron din...

siguro nga nag aadjust pa ako...
siguro nga bago pa lang kami....
siguro nga madami pang dapat pag usapan...



sigurado ako.... nagmamahal ako....


ako lang po ito si mayunes

nag selos
ngumiti
nagpasalamat
nagmamahaL

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 5:38:00 PM
1 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------