Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Saturday, March 25, 2006

:) selective amnesia

minsan naiisip ko gusto kong magkaroon ng selective amnesia....

may mga bagay akong gustong limutin..
may mga bagay akong gustong baguhin...
ang mga komplikadong bagay gusto kong gawing simple...
ang mga bagay na ninanais ko na sana ako na lang nakaranas... ang ako na lang ang may responsibilidad at wala ng ibang taong masaktan...
gusto kong limutin ang mga masasakit na pangyayari na naranasan ko...
gusto kong limutin ang mga paglisan.. ang mga pagpapaalam
gusto kong limutin ang mga taong nagpadama ng sakit sakin...
ang mga taong nagiging hadlang sa muling pag ngiti ng langit

pero sa isang banda naiisip ko...
hindi ako magiging matatag...
hindi ko malalaman na matapang pala ako...
hindi ako magiging ako...
kung me selective amnesia pala ako wala pala.. walang kulay ang mundo...

nagbago na ang isip ko....

wag na kaya


ako lang ito si mayunes
nangarap
nagisip
at muling mangangarap

ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 11:28:00 AM
0 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------