Open links in secondary window

psychedelic musings of a tarayquin



today is a Tuesday, February 08, 2005

:) sa azzucarera

kanina napanood ko ung dokyu ng the
correspondents tungkol sa hacienda luisita..mejo nakaklungkot ang istorya ng buhay ng mga
manggawa sa tubuhannung narinig ko dati na ang kanilang kita na
natatanggap ay P9.50 lamang hindi ako naniwala
nun kasi masyado naman yatang hindi makatao ang
pagpapasahod ng P9.50 kada linggo...sa minimum wage na natatanggap nila... wala pa sa
10 porsiyento ng kanilang kinikita nag naiuuwi
nila para ihain sa kanilang hapag..hindi ko lubos maisip kung paano nakakaraos ang isang pamilya sa kakarampot na kabuhayan na mayroon sila..ngayon ko lang napagtanto kung gaano ako kapalad sa estado ng kabuhayan ko ngayon .. madalas akong mag reklamo sa kinikita ko kasi hindi ito nagkakasya sa akin... pero maling mali pala ang iniisip ko... nakakalungkot man na isipin nagiging makasarili ako... hindi ako nakakapagpasalamat dahil kahit na papaano may kinakain ang pamilya namin ng 3 beses sa isang araw minsan nga sobra pa ang aming naihahain... may merienda pa na kasama...
sana matapos na ang mga hinagpis ng mga mahihirap at paghihikaos sa buhay ng mga magsasaka sa hacienda luisita



ang sabi ni mayumi.. kelan edi noong .. 6:07:00 AM
1 bulong

diba, dati nga ....

---------------------------------------